Driver’s License Renewal 2019 (Philippines)- Paano mag Renew

Driver’s License Renewal Process 

Marami ng paraan para maka pag renew tayo ng ating Driver’s License, isa na dito ang online appointment, sa mga satellite office nila sa mga Mall at ang pag punta mismo sa kanilang mga LTO branches at Main office sa East Avenue.

Ang ipapakita ko sa inyo ngayon ay ang pag renew mismo sa MaiN Office sa East Avenue. 3 years ago inabot lang ako ng 20 minutes sa LTO dahil konte nalang ang tao, dumating kami sa LTO ng 4:00pm pero kumuha muna kami ng medical kaya mga 4:30 pm na kami naka pasok sa LTO , 4:50 palang tapos na ako. Ngayon 2019 inabot ako ng 1 1/2 hrs sa dami narin siguro ng mga nakasabay ko.

Requirements for Driver’s License Renewal 

  • Old or pa expired na Driver,s license
  • Medical Clearance or certificate
  • Pera pang bayad.

Eto suggestion ko sa inyo kung sa main office kayo mag re renew. Bago kayo pumasok sa LTO kumuha muna kayo ng Medical Certificate marami nito sa gilid ng LTO sa tingin ko lahat naman sila certified dahil ina accept naman ni LTO,ako yung 3rd floor ako palagi kumuhuha. Maraming nag aalok ng tulong o nag tatanong sayo kung medical ba, license ba, hindi naman sila fixer mga commissioner yan haha commissioner kasi sa tuwing meron silang maihahatid na customer na kukuha ng medical certificate meron silang commission na nakukuha sa clinic. Pwedeng wag mo nalang silang pansinin or pwede rin naman nasa iyo nayon, basta wag ka nalang mag bigay sa kanila ng tip o ng pera.

Pag dating mo sa clinic hihingin sayo yung luma mong driver’s license at i staple sa medical form. Wait for your turn, pag nasa loob ka na start na ang medical examination, Una check muna kung gaano kalinaw mata mo, next inhale exhale naman then mga ilang katanungan tungkol sa kalusugan mo. Malalaman mo naman agad kung physically fit ka pwede mo rin naman ito itanong sa physician. Pag katapos hintayin mo lang lumabas ang iyong Medical certificate. Hihingan ka muna ng bayad na 400 bago sayo ibigay ang Medical certificate mo. pagkatapos pwede ka ng maglakad pabalik sa LTO.

Pag dating mo sa LTO, sabihin mo lang sa guard for renewal ka ituturo ka nito kung saan ka pupunta. Pag pasok mo sa loob punta ka lang sa window-1 o kung saan ipinapasa yung hawak mong medical certificate na naka attach ang luma mong Driver license, Mag hintay ng ilang minute para sa Electronics signature at sa Payment. Then wait for your name to call again at meron ibibigay na maliit na form na dapat mong fill-apan then papupuntahin ka sa likod (kabilang office lang , ilang hakbang lang)para maghintay uli ng tawag (3 years ago walang ganito) for data encoding at picture taken yan. Tapos nyan babalik ka uli sa loob at maghihintay ng tawag (yan na ang last steps) dahil ibibigay na ang iyong bagong Driver’s license(yeheyy). Wag mag taka dahil hindi na nila kinukuha yung lumang driver’s license. Sayo parin yan, itago mo nalang siguro.

 

Summary 

  1. Kumuha muna ng Medical Certificate
  2.  Pumila, magbayad sa LTO at hintayin ang bagong driver license.

Mga babayaran 

  1. 400 para sa medical Certificate
  2. 652.63 – License fee (585), Comp Fee (67.63)                                                        1052.63         TOTAL 

 

Eto yung old License na nag expired 2019

 

Eto naman ang NEW License (2024 expiration)

 

At ito naman ang OR

 

11 thoughts on “Driver’s License Renewal 2019 (Philippines)- Paano mag Renew”

  1. haha thanks for this. we gave up our car a few years ago, so hindi na namin naasikaso ang mga lisensya namin. But it seems that we will be in need of it soon and it won’t be a simple renewal only kasi expired na ang mga lisensya namin ng matagal.

Leave a Comment